Sunday, March 11, 2007

Tamod

Tamod

Thirdy Lopez

Binigyan ako ng pagkakataon

Upang gumawa ng buhay

Upang makahinga at maging tao

Kinailangan ko lang ng isang itlog

Upang makasama sa habang buhay

Para matupad ang nais kong mangyari

Sa naturingang himala, ika’y mapapaligaya

Bagaman lagot ka mamaya, isang buhay ang mabubuo

Ito naman ang magiging buhay mo

Pero sinayang mo lang ako

Dahil nagging makasarili ka

Tinapon mo ako sa sarili mong ligaya

2 comments:

glory said...

yey! keep the creative juices flowing.. mgaling magaling magaling! *palakpak*

Thirdy Lopez said...

Wow naman...

Confidence booost din yan....

NuffNang Ads